LAOAG CITY – Nasa 10 Pilipino na sa Barese City sa Italy ang naaresto dahil sa paglabag sa mga guidelines sa gitna ng lockdown doon dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ang report ni Bombo International Correspondent Elmer Macadangdang sa Milan, Italy.
Sinabi ni Macadangdang na base sa kanyang impormasyon, nagkakantahan at nag-imbita sa mga kaibigan ang mga nahuling Pinoy sa loob mismo na kanilang condominium.
Dahil dito, may nagreport sa mga otoridad hinggil sa ginagawa ng mga Pilipino kaya agad nagtungo sa lugar ang mga pulis at dinakip ang mga ito.
Ipinaliwang ni Macadangdang na kasama sa ipinatupad na guidelines ng gobyerno ay bawal munang mag-imbita ng mga kaibigan sa bahay, gayundin ng magkumpulan sa iisang lugar at iba pa para maiwasan at hindi na kumalat pa ang nakakamatay na virus.
Dahil dito, posibleng makulong ang mga ito ng anim na buwan hanggang dalawang taon.