Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ilang ulat na lumabas sa social media kaugnay ng ikaapat ikalimang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Asec. Maria Rosario Vergeire, pumasok pa ng isang araw sa kanyang trabaho ang 4th case makaraang umuwi ito ng Japan.
Siya ang empleyado ng Deloitte Philippines na residente rin ng isang Avida Tower sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Nagtungo rin daw ito sa St. Lukes Medical Center sa BGC para magpa-check up.
Batay sa hawak na data ng DOH, sakay ng isang PR-421 flight mula Haneda airport ang ikaapat na kaso, na isang 48-anyos na lalaki.
Nakasalamuha pa raw nito ang ilang kaopisina nang dumalo sa isang meeting.
Samantala, kinumpirma rin ng Health department na residente sa isang private subdivision sa Cainta, Rizal ang mag-asawa na ikalima at ikaanim na kaso ng COVID-19.