-- Advertisements --

Patungo na sa ‘endemic phase’ ang covid-19 situation sa Pilipinas ayon sa isang health expert.

Ito ay sa gitna na rin ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng covid-19.

Paliwanag ni Dr. Edsel Salvana na miyembro din ng Technical Advisory Group ng Department of Health (DOH) na nakikitang nagiging endemic na ang covid-19 virus at hindi na ito mawawala ng tuluyan.

Inisyal na iniulat din ni Health officer in charge Maria Rosario Vergeire na patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng covid-19 sa Luzon habang sa Mindanao naman ay ‘plateauing’ na. Subalit naobserbahna ang pataas ng bilang ng covid19 infections sa Visayas.

Ayon kay Salvana na ang downward trend sa bilang ng mga kaso ay sinyales ng endemicity.

Subalit sinabi naman ni Salvana na hindi talaga matuloy kung ito ba ay dahil na rin sa hindi na gaanong nakakapagsuri gamit ang RT-PCR test at karamihan ang ginagamit ay antigen test na hindi naisasama sa covid-19 tally.

Pinunto naman din ng eksperto na mas mahalaga pa rin na tignan ang healthcare capacity ng bansa kumpara sa bilang ng mga naitatalang kaso dahil karamihan naman aniya ay mild lamang.

Sa kabila ng magandang development na ito, nagpaalala naman ang eksperto sa publiko na manatiling vigilante at binigyang diin pa rin ang kahalagahan ng pagbabakun kontra sa virus at ang patuloy na pagsusuot ng face mask.