-- Advertisements --

Itinuturing ng OCTA Research na nasa very low risk ang COVID-19 status sa Metro Manila.

Sinabi ni dr. Guido David ang OCTA Research fellow na mayroon lamang 138 na bagong kaso ang naitatala sa Metro Manila mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2.

Mas mababa ito ng 416 average sa parehas na araw noong nakaraang taon.

Ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila rin ay mayroong 0.36 habang ang average daily attack rate per 100,000 individuals ay 0.97 at positivity rate naman ay 1.2 percents.

Magugunitang sinabi ng Deparmtent of Health na nasa halos 100 percent na sa populasyon ng Metro Manila ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.