-- Advertisements --

Babawasan na ng Philippine Red Cross, ang COVID-19 swab testing.

Magsisimula bukas December 1 ay magiging P3,800 na lang ang presyo nito mula sa dating P4,000 para sa mga private, walk-ins at mga paparating na pasahero ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Aabot naman sa P4,800 ang sisingilin sa mga nais ng mabilisang paglabas ng resulta sa loob ng 12 hanggang 24 na oras.

Para sa mga local government units (LGU) ay mayroong P3,300 ang sisingilin.

Sinabi ni PRC chairman Richard Gordon, na ang pagbaba ng presyo ng COVID-19 testing ay para mas maraming mga Filipino ang sasailalim sa testing at maiwasan na ang pagkalat ng virus.

Dagdag pa nito na nakatawad din sila sa China sa presyo ng mga test kits para mas maraming mga Filipino ang masuri.

Umabot na sa isang milyong mga indibidwal aniya ang nasuri ng kanilang molecular laboratories sa buong bansa kung saan mayroong 44,000 na tests ang sinusuri kada araw.

Magugunitang ipinag-utos na ng Department of Health na pababaan ang presyo ng COVID-19 testing sa bansa na gawin na lamang ito mula P3,800 hanggang P5,000.