Plano ngayon ng White House na buwagin na ang coronavirus task force.
Sinabi ni US Vice President MIke Pence, na maaaring mabuwag na ang task force hanggang sa katapusan ng Mayo.
Ang nasabing hakbang ay isasagawa dahil maraming mga estado ang magbubukas sa mga susunod na linggo.
Kumonsulta rin sila sa mga health experts na magsagawa ng national recommendations sa social distancing.
Sa panig naman ni US President Donald Trump na hindi pa nito maituturing na ‘mission accomplished’ dahil hindi pa tuluyang natatapos ang pandemic.
Nangangamba naman ang Federal Emergency Management Agency (FEMA) na maaaring umabot sa 3,000 kada araw ang mamamatay dahil sa virus sa mga susunod na buwan kapag niluwagan na ang lockdown.
Umaabot na sa mahigit 70,000 na ang nasawi matapos na ito ay dapuan virus.