CENTRAL MINDANAO-Pormal nang binuksan ang operasyon ng COVID-19 Temporary Treatment and Monitoring Facility ng lokal na pamahalaan ng Pikit, Cotabato.
Ang pasilidad ay mayroong 16-bed capacity.
Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Edwin Cruzado, tugon ito ng LGU-Pikit sa kahandaan na ninanais ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) sa bawat munisipyo.
Nakalaan ang pasilidad sa pasyente ng Covid-19 na nakakaranas ng asymptomatic at mild manifestation.
Samantala, nagbigay naman ng isang ambulansya ang Provincial Goverment ng Cotabato sa LGU-Pikit upang magamit sa mobilisasyon ng mga pasyente sa bayan.
Nagpapasalamat naman si Pikit Mayor Sumulong Sultan sa patuloy na suporta at natatanggap na tulong para sa mga residente ng Pikit.