-- Advertisements --

Napagdesisyunan umano ng health ministry sa Japan na sagutin ang kabuuang total ng coronavirus PCR test para sa mga kababaihang buntis.

Ayon sa mga medical experts, magiging delikado umano para sa ina at maternity nurses sa oras na manganak ito nang hindi nalalaman kung may coronavirus ito.

Magbibigay ang ministry ng subsidies para sa local government units na tatanggap sa mga buntis na nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon kasi lahat ng mga buntis na walang sintomas ng COVID-19 ay pinagbabayad ng coronavirus test na nagkakahalaga ng $185 o halos P10,000.

Pinaplano rin ng ministry na maglaan ng pondo kada tao sa bawat kumpanya para payagann ang kanilang mga buntis na empleyado na lumiban muna sa trabaho upang makaiwas sa sakit.