-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Inaasahan na ang nalalapit na pagsisimula ng operasyon ng COVID-19 testing center na kauna-unang swab testing facility sa lunsod.

Sa naging pahayag ni Mayor Jose Marie Diaz, sinabi niya na patuloy na inihahanda ng pamahalaang lunsod ang mga kagamitan at iba pang mga pangangailangan sa nalalapit na operasyon ng COVID-19 testing center sa lunsod.

Aniya, ang hakbang na ito ng pamahalaan ay para matulungan ang pamahalaan na maisailalim ang lahat ng mga mamamayan sa pagsusuri upang mabigyan ng karampatang aksyon.

Dagdag niya na naglagay na ng mga laboratory equipment o mga kagamitan para sa pagsasagawa ng RT-PCR test.