-- Advertisements --

Pinatitiyak ni Sen. Bong Go sa national government ang availability, accessibility at murang coronavirus disease (COVID-19) testing.

Sinabi ni Sen. Go, maituturing na mahalagang commodity ang COVID-19 testing sa araw-araw na buhay habang may pandemya at wala pang bakuna kaya dapat lang matiyak ng gobyerno na may access ang mga Pilipino dito, mayaman man o mahirap.

Ayon kay Sen. Go na chairman ng Senate Committee on Health, kailangang magkaroon ng regulated price range parea maiwasan ang overpricing.

Sa ngayon, hinihintay ang Executive Order (EO) na ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa price cap ng mga COVID-19 testing partikular ng RT-PCR o swab test.

“Kaya nga po dapat magkaroon tayo ng tamang price range… Dapat mayroon pong mapagkasunduang polisiya na approved by the President para magkaroon na po ng mekanismo na makapaglalagay ng ceiling sa presyo po ng COVID-19 testing,” ani Sen. Go.

“Dapat mayroong mekanismo na dapat nakalatag upang gawing affordable, available at accessible ang COVID-19 testing sa lahat ng mga Pilipinong nangangailangan nito.”