Hinimok ng isang senador ang pamahalaan ng i-mandato ang pagpresenta ng negatibong COVID-19 test results sa mga inbound traveler mula sa mga bansang iniuri na high risk sa COVID-19.
Subalit nilinaw ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe na ang pagpapatupad ng mas striktong travel rules ay hindi para i-discriminate ang mga ito sa halip ay para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino at iba pang tourist arrivals.
Ayon pa sa mambabatas na dapat na ilatag ang nasabing protocol na agad na maipapatupad kapag umabot na sa threshold o kung ilang porsiyento na ng ating mga kababayan ang nadapuan ng COVID-19.
Inalala pa ng senadora na noong unang bahagi ng 2020, hindi agad na nagsara ang Pilipinas ng borders sa kabila ng banta ng COVID-19 outbreak.
Kaya’t ngayon, ang hinihiling aniya sa pamahalaan ay magkaroon ng malinaw na regulasyon sa kung ano ang dapat na gawin sa mga dumarating na biyahero mula China na nakakaranas ng surge ng COVID-19.