VIGAN CITY – Isang pulis sa Gregorio Del Pilar, Ilocos Sur ang namahagi ng halos 200 face mask na kanyang tinahi para may alternatibong gagamitin ang kaniyang kapwa frontliners at pati na rin sa mga residente sa nasabing lugar dahil sa umano’y nagkakaubusan na ng supply dahil pa rin sa coronavirus disease.
Nakilala ito na si PSSgt. Orland Dangtayan Victorino na nakadestino sa Gregorio Del Pilar Municipal Police Station.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Victorino, malaking tulong umano ang pakikilahok niya sa skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang makagawa ng mga face masks bilang pagmamalasakit na rin sa kanyang mga kapwa frontliners na siyang araw-araw na nagsasakripisyo upang mabantayan ang seguridad ng bawat isa.
Sa pamamagitan umano ng mga lumang Tshirt na hindi na ginagamit ay siyang dinidisinfect upang malinisan at ito na rin ang gagawin niyang face mask.