-- Advertisements --

david

Patuloy na bumababa ang trend ng Covid-19 sa cases sa Metro Manila, habang bumabagal din ang virus reproduction rate sa buong bansa, ayon sa OCTA Research Group.

Ayon kay OCTA Research Group Dr. Guido David, dito sa National Capital Region (NCR) bumaba ang positivity rate sa 19 to 20 percent at ang reproduction rate ay nas 0.94.

Giit ni David na ang virus reproduction rate of less than 1 ay ideal na.

Sinabi ni David na nakatulong sa pagbaba ng Covid-19 cases ang ipinatupad na granular lockdown sa kalakhang Maynila.

Aniya, maaaring i-attribute ang pagbaba ng Covid-19 cases sa bansa ay dahil patuloy na vaccination program ng gobyerno at ang striktong pagsunod sa health protocols.

“With today’s number, the reproduction number in the country decreased to 0.98. The one week growth rate decreased to -13%,” pahayag ni David sa kaniyang Twitter.