-- Advertisements --

Maaaring ipagpatuloy ng lokal na pamahalaan hanggang ngayong araw ng Biyernes ang national COVID-19 vaccination drive ng gobyerno.

Sa inilabas na advisory ng National Task Force against Covid-19, pinapayagan nila ang extension upang ma-sustain ang momentum ng COVID-19 vaccination at upang samantalahin ang interes ng publiko sa pagbabakuna laban sa severe respiratory disease.

Nabanggit nito na ang National Vaccination Operations Center ay nakatanggap ng mga kahilingan mula sa ilang LGUs na palawigin ang national vaccination drive na tinaguriang “National COVID-19 Vaccination Days” dahil sa malaking turnout.

Inaatasan ang mga LGU na ipaalam sa kani-kanilang mga centers para sa health development kung plano nitong palawigin ang pagbabakuna.

Ang mga regional vaccination operations centers ay inatasan din na dagdagan ang mga resources at technical support at tiyakin ang paglalaan at pamamahagi ng mga bakuna sa mga LGU.