-- Advertisements --

Sinimulan na ng Japan ang COVID-19 vaccination drive.

Unang tinurukan ng Pfizer vaccine shots ang mga hospital workers sa Tokyo.

Matapos ang pagbakuna ng 40,000 medical workers ay isusunod naman ang natitirang 3.7 million medical personnel na mayroong exposure sa COVID-19 patients.

Pagkatapos ng mga medical workers ay target na mabakunahan ang 36 million na katao at ang mga nasa edad 65 patataas.