MANILA – Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang rekomendasyon ng vaccine expert panel (VEP) na gamitin sa populasyon ng senior citizens ang COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese company na Sinovac.
BREAKING: FDA approves the recommendation to use Sinovac's CoronaVac vaccine to senior citizens. | @BomboRadyoNews
— Christian Yosores (@chrisyosores) April 7, 2021
“After considering the recommendation of the experts and the current situation of high COVID-19 transmission and limited available vaccines, the FDA is allowing the use of Sinovac on senior citizens,” ani Director General Eric Domingo.
Kabilang daw sa ikinonsidera ng FDA expert panel sa pag-aapruba ay ang limitado pang supply ng coronavirus vaccines sa Pilipinas.
Pati na ang kahalagahan na maprotektahan mula sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases ang mga senior citizens na itinuturing na “vulnerable.”
Nilinaw ng mga ahensya na bagamat may datos na sa Phase 1 at 2 clinical trials ng Sinovac vaccine sa senior citizens, hindi pa sapat ang ebidensya na mataas ang efficacy ng naturang bakuna sa mga matatanda.
Kaya naman inirerekomenda ng DOH at FDA na dumaan pa rin sa masusing evaluation ang mga senior citizen bago sila turukan ng Sinovac vaccine.
“There is phase I/II safety and immunogenicity data for seniors but efficacy data is not yet sufficient to establish vaccine efficacy.”
“While current efficacy data for Senior Citizens from Phase III trials is insufficient, the benefits of using the vaccine for this particular group outweigh its risks, and more scientific data on use for senior citizens may soon become available.”
Kung maaalala, unang inaprubahan ng FDA ang Sinovac vaccine para sa mga may edad 18 hanggang 59-years old.
Ayon kasi sa VEP, kulang pa ang datos tungkol sa pagiging epektibo ng Chinese-made vaccine sa mga matatanda.
Batay sa huling tala ng Health department, aabot na sa 922,898 doses ng bakuna na ang naiturok sa populasyon ng healthcare workers, senior citizens, at controlled comorbidity o may ibang sakit.