-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) na bahagi na ng vaccine implementation plan ang sinasabi ng World Health Organization (WHO) na kailangang mabakunahan laban sa COVID-19 ang 60 hanggang 70 percent ng populasyon para makamit ang herd immunity.

Sinabi Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mismong si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang nagsabing target na bakunahan ang 70 million na mga Pilipino.

Pero ayon kay Usec. Vergeire, maraming factors bago maisagawa ito kaya ipapatupad muna ang tinatawag na targeted vaccination strategy kung saan uunahin ang priority population.

Kinabibilangan umano ito ng mga tinatawag na “most vulnerable” at mga palaging nae-expose sa mga pasyente ng COVID-19, gayundin ang mga pinakamahihirap na kababayan.

Kasama na rin umano dito ang mga senior citizens na mas “at risk” na mahawaan ng virus kumpara sa ibang miyembro ng populasyon.