-- Advertisements --

Mas pipiliin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga COVID-19 vaccine mula sa Russia at China kapag ito ay napatunayang ligtas at epektibo.

Sa kaniyang national address nitong Lunes ng gabi, sinabi nito agad bibili ang Pilipinas kapag mayroon ng bakuna ang China at Russia pero dadaan ito sa bidding.

Binatikos pa ng Pangulo ang mga nasa Western pharmaceutical companies na pinagkakaperahan ang mga COVID-19 vaccine na kanilang ibinebenta.

Dagdag pa nito, kailangan pa kasi ng downpayment ang isang bansa para makabili ng nasabing mga bakuna mula sa mga Western pharmaceutical companies.

Una nang sinabi ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakikipag-usap na ang bansa sa Russia at China sa pagbili ng kanilang mga COVID-19 vaccines.