-- Advertisements --
Inirekomenda ng gobyerno ng India ang emergency use ng kanilang local COVID-19 vaccine na Bharat Biotech para sa mga edad mula 2 hanggang 18.
Umabot na kasi sa 29% sa halos 994 milyon eligible populasyon ng bansa ang itinuturing na fully vaccinated na.
Umabot na rin sa 110 milyon dosese ng Bharat Biotech na Covaxin ang ginamit na rin sa nasabing bansa.
Patuloy pa rin ang proseso ng kumpanya ng kanilang pagkuha ng emergency use listing sa World Health Organization (WHO).
Kapag wala pang go-signal ng WHO ay maituturing na ang two-dose shot ay matatanggap bilang legal na bakuna sa buong mundo.
Magugunitang pinayagan na ng US ang Pfizer COVID-19 vaccine na iturok sa mga bata na may edad 12 pataas.