-- Advertisements --
Inamin ni vaccine czar Carlito Galvez na kalahati lamang sa mga Astrazeneca COVID-19 vaccine na binili ng mga local government unit ang nakatakdang dumating ngayong taon at ang mga natitira ay sa 2022.
Ito ay dahil sa problema ng suplay ng kompaniyang AstraZeneca.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng makailang beses na pagtitiyak ni Galvez na walang magiging problema ang bansa sa pagbili ng mga bakuna na gawa ng AstraZeneca dahil ito ay gagawin sa planta ng kompaniya sa bansang Thailand.
Sa buwan pa ng Hunyo darating ang biniling AstraZeneca vaccine ng bansa kung saan magiging prayoridad na mabigyan dito ay ang mga nasa private sectors.