-- Advertisements --
Nabigyan na ng US Food and Drugs Administration (FDA) ng full approval ang COVID-19 vaccine na gawa ng kumpanyang Pfizer.
Ang nasabing bakuna aniya ay unang nabigyan ng emergency use authorisation ng US FDA.
Ginagamit ang nasabing bakuna sa may edad 16 pataas sa dalawang doses na mayroong tatlong linggo ang pagitan.
Ayon sa US FDA na isinagawa ang aprubal matapos ang matagumpay na data na kanilang nakuha sa resulta ng 44,000 katao.
Sinabi naman ni Acting FDA commissioner Janet Woodcock na matitiyak ng publiko na nakamit ng bakuha ang mataas na safety , effectiveness at manufacturing quality standard.