-- Advertisements --
Mayroong 86% na effectivity rate ang coronavirus vaccine mula sa China na Sinopharm.
Ayon sa United Arab Emirates (UAE) nakuha nila ang datus matapos isagawa ang phase-three trial ng bakuna binubuo ng maraming tao.
Dagdag pa ng health ministry na walang anumang problema sa kaligtasan ng nasabing bakuna.
Noong Nobyembre ay nabigyan ang ilang senior officials ng bansa kabilang na si UAE Vice-President at Dubai lider Mohammed bin Rashid al-Maktoum.
Aabot kasi sa 180,150 ang bilang na nadapuan ng COVID-19 sa UAE na mayroong 598 ang nasawi.