-- Advertisements --
Tiwala si Dr. Anthony Fauci ang director ng US National Institute of Allergy and Infectious Diseases, na maaaring mayroon ng bakuna sa coronavirus pagdating ng Disyembre.
Sinabi nito na malalaman lamang sa Nobyembre kung epektibo ba at ligtas ang nasabing bakuna.
Hindi pa aniya sapat ang nasabing bilang na maisasagawa sa Disyembre kaya kailangan pang maghintay ng hanggang 2021 para magkaroon na ng bakuna ang lahat.
Nakikita nito na babalik lamang sa normal ang lahat kapag mayroon ng bakuna at patuloy pa rin na ipapatupad ang tamang health protocols.