-- Advertisements --
Magiging huling options na ng Navotas City government na bibilihin ang COVID-19 vaccines na gawa ng China.
Sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, na ang nasabing desisyon ay base sa isinagawa nilang survey sa mga residente.
Base sa survey na mayroong 84.2 percent sa mga residente doon ang nais na gamitin ang Pfizer/BioNTech vaccine.
Sinundan ito ng Moderna, pumangatlo ang AstraZeneca ng United Kingdom, pang-apat ang Sputnik V ng Russia at panghuli ang US vaccine na Novavax.
Naging kulelat sa survey ng Navotas government na ayaw gamitin ng mga residente ay ang Sinovac at Sinopharm na gawa ng China.
Paliwanag ng alkalde na ang survey ng kanilang residente ay para malaman ng national government ang nais na bakuna na gamitin.