-- Advertisements --


Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na ang covid-19 vaccines na may extended shlef life ay ligtas at epektibo laban sa virus.

Binigyang diin din ng kagawara na ang proseso ng pagpapalawig ng shelf life ng mga bakuna ay sumailalim sa malalimang pag-aaral.

Inisyu ng ahensiya ang naturang advisory kasunod ng reports na may mga indibidwal na skeptical o nag-aalangang magpaturok ng covid-19 vaccines dahil sa extended shelf life subalit hindi naman nabago ang label ng vaccine vials.

Matatandaan noong nakalipas na linggo, iniulat ng DOH na nasa mahigit 20 million covid-19 vaccines na donasyon at binili ay natuloy na nasayang dahil nagpaso o nag-expire na, kontaminado at nasira dahil sa epekto ng kalamidad.

Katumbas ito ng 8.42% na apsok pa rin naman sa standard rate na 10% o mas mababa pa sa itinakda ng World Health Organization (WHO).

Top