Nauunawaan umano ng Malacañang ang “frustration” ni Manila City Mayor Isko Moreno at ng ibang kababayan sa matumal na pagdating ng supply ng bakuna laban sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa kanilang mga lugar.
Unang nihayag ni Mayor Isko na taliwas sa sinasabi ng gobyerno, huwag daw paasahin ang taongbayan na makakamit ang tinatawag na herd immunity sa bansa ngayong taon kung panaka-naka o paunti-unti ang dating ng vaccines supply.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, naniniwala siyang pansamantala lang naman ang “shortage” dahil kinakailangan pa kasing magkaroon ng certificate of analysis bago i-deploy ang mga bakuna sa mga local government units (LGUs).
Ayon kay Sec. Roque, tiwala siyang makakamit ang tinatawag na ngayong population protection partikular sa Metro Manila o National Capital Region “Plus 8” dahil batay sa mga numero,, ito ay “achievable.”
Kaya huwag aniya mabahala sa “temporary delay” sa supply ng mga bakuna dahil isa o dalawang araw lang naman ay tuloy ulit ang pagbabakuna.
“I understand the frustration of Mayor Isko, it is in fact a frustration of everyone that we just want to rollout the vaccines. But I think the temporary shortage, it’s temporary, because the supply is in, we can’t just use it without the certificate of analysis, ‘no is temporary. And we can achieve population protection as we intended specifically for Metro Manila +8 ‘no, because the numbers are achievable. I think the jabs that we have to inject for Metro Manila + 8 is about 120,000 and the local government units have proven that they can actually achieved this, because it’s a small number compared to their capacity,” ani Sec. Roque.