Iniulat ng World Health Organization (WHO) na nasa mahigit 50 mga bansa na ang nakapagtala ng mga kaso ng coronavirus variant na unang nadiskubre sa India.
Nakatanggap din ng karagdagang impormasyon ang WHO mula sa unofficial sources na mayroon din mga kaso ng B.1617 variant sa pito pang territories kaya’t sa kabuuan mayroong kabuuang 60 batay sa weekly epidemiological update ng UN health agency.
Ipinapakita ng naturang ulat na ang B.1.617 variant ay mas nakakahawa ngunit pinag-aaralan pa sa ngayon ang risk of infection ng variant.
Sa ngayon batay sa update ng WHO sa iba pang mutation ng covid na itinuturing na variant of concerns gaya ng variant na unang nadiskubre sa Britain (B117) ay naitala na rin sa 149 bansa, may mga cases na rin ng South Africa variant (B1351) sa 102 bansa at Brazil (P1) sa 59 bansa. (with reports from Bombo Everly Rico)