Nasa pinakamataas na bilang na ngayon ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa pilipinas na umaabot sa 27, 754.
ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang panibagong nadagdag na mga tinamaan ng virus na nasa 2,727.
sa naturang bilang, ang mga bagong nahawa na 986 ay nagmula sa Metro Manila.
Ang nabanggit na bilang ng mga aktibong kaso o mga pasyente ang siyang pinakamataas mula noong April 10.
Lumalabas ngayon na ang tinatawag na positivity rate sa pagitan ng July 24 hanggang july 26 ay nasa 14.8 percent.
ito rin ang ikalawang sunod na linggo na ang dailay average ng mga kaso sa bansa ay nananatili sa mahigit na 2,000.
batay pa sa datos noong nakaraang linggo nasa mahigit 19,000 ang bagong COVID cases sa bansa.
lumalabas na tumaas ito ng 33 percent kumpara sa naunang mga linggo.