-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hindi na bumaba pa sa 75% ang critical level occupancy sa mga hospital beds sa lungsod lahit nagkataas ang COVID 19 infection .

Sa ngayon 95% sa 250 COVID 19 beds sa lungsod ang okopado habang 96% ang naghihintay ng resulta ng test.

Ito ang sinabi ni Dr. Ryan Aplicador, chief of hospital ng Dr. Jorge Royeca Hospital na marami ang nasa wait list at naghihintay na mabigyan ng bed.

Rason ito na dinadala na lamang sa Barangay isolation unit u sa bahay ang pasyente at duon lagyan ng oxygen.

Dagdag ni Aplicador na nasa 30 hanggang 35% ang positivity rate sa lungsod sa COVID 19 kayat puno ang mga hospital .

Nalaman na sa pagpasok ng buwan ng Setyembre mahigit sa 100 ang madagdag bawat araw.

Sinabi din nito hinde pweding magdagdag ng COVID beds ang Dr. Jorge Royeca Hospital kahit tumaas ang kaso sa COVID 19 dahil kulang ang kanilang Nurses na dati 48 naging 26 na lang dahil nag abroad, lumipat nga trabaho at nadestino ang iba sa non covid department.

Wala na umanong mabisang paraan para di tamaan ng COVID ito ang pagsunod sa mga health protocol.