-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Lalo pang naghigpit ngayon ang mga pulis sa Haifa City, Israel dahil sa ilang demonstrasyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Harold Agbayani, isang OFW sa Haifa City, Israel na wala mang pambobomba na nagaganap sa kinaroroonan niya ngayon pero nagkakaroon naman ng demonstrasyon.

Kahapon lamang ay may nangyaring demonstrasyon malapit sa lugar kung saan siya nakatira na kagagawan ng mga Arabs.

Bukod dito ay mayroon ding sinunog at pinasabog na sasakyan ng pulis.

Aniya, wala na silang pinipinili basta lamang may masaktan.

Samantala, sinabi pa Agbayani na parang wala ng COVID-19 ngayon sa Israel dahil mas pinagtutuunan na ng pansin ang giyera.

Back to normal na aniya ang lahat at wala ng gumagamit ng face mask gayundin na wala na ring social distancing maliban lamang sa mga palengke at loob ng bus.