-- Advertisements --

Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na muling nagtala ng
highest single-day increase sa loob ng 24 oras sa mga COVID cases sa buong mundo na umabot sa kabuuang 307,930.

Ang unang pinakamataas sa isang araw ay noon pang Sept. 6 kung saan nasa 306,857 cases ang naiulat.

Batay sa official data ng WHO umaabot na sa 28,637,952 ang total coronavirus cases sa buong mundo mula nang magsimula ang pandemya.

Samantala sa nakalipas din na magdamag nasa 5,537 ang naitala na nasawi para madagdagan pa ang total death toll sa 917,417