-- Advertisements --
DFA building office
DFA main building in Pasay City

Umaabot na sa kabuuang 9,908 ang bilang mga Filipino sa abroad na kinapitan ng coronavirus.

Sa ulat ngayon ng DFA nasa 12 pa ang nadagdag na mga bagong kaso na nagmula sa ilang bansa sa Asya, Pacific at sa Middle east.

Isa rin namang OFW ang nasawi at dalawa naman ang nadagdag na gumaling.

Ang death toll sa mga Pinoy sa abroad ay nasa 726 na.

Ang sumasailalim naman sa gamutan ngayon ay 3,338.

Sa kabila nito ayon pa sa DFA, dumarami rin naman ang mga gumagaling na lomobo pa sa 5,844.