Inamin ng DOH na unti-tunti nang bumababa ang mga kaso ng COVID-10 sa NCR.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maging ang health system ay nag-stabilize na rin at naiibsan ang occupancy rates sa mga ospital.
Ang 1,910 na bagong dinapuan ng coronavirus ay ang pinakamababa sa araw-araw na paglalabas ng tally ng DOH mula noong September 22 ang 624 sa mga ito ay nagmula sa NCR.
Sa ngayon nasa 346,536 na ang kabuuang mga pasyente sa Pilipinas mula noong buwan ng Enero.
Maraming bilang din kahapon ang iniulat ng DOH na nakarekober na mga pasyente na umaabot sa 579 pero merong nadagdag na 78 mga namatay.
Ang mga nakarekober na sa Pilipinas sa sakit ay umakyat pa sa 293,860 habang ang death toll sa bansa ay nasa 6,449.
Ang mga aktibong kaso ngayon na taglay ang coronavirus ay umaabot sa 46,227.