-- Advertisements --

Inamin ni DOH Sec. Francisco Duque III na hindi pa nagpi-peak ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ngayon ng kalihim na ang paglobo sa 500 mga kaso sa bansa ay senyales na lumalawak na ang proseso ng paggamit ng mga test kits.

Mas marami na rin umano ang made-detect lalo na sa mga kinapitan ng virus sa community transmission.

Ginawa pang halimbawa ni Sec. Duque ang nangyari sa Wuhan, China noong buwan ng Pebrero nang umakyat sa mas maraming bilang ang mga COVID positive dahil sa malawakang mass testing, tatlong linggo matapos ipatupad ang total lockdown.

Aminado rin naman ang kalihim na kahit naka-lockdown ngayon ang buong Luzon, hindi naman ito garantiya na matatapos na ang problema sa health crisis.