-- Advertisements --

Wala pa umano sa peak level ang bilang ng mga naitatalang positibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, kasunod ng mas mababang nai-report kahapon na mga bagong kaso ng deadly virus.

Ayon kay David, mismong ang Department of Health (DoH) na ang nagbanggit na nagkaroon ng problema ang kanilang data repository system, kaya na-delay ang release ng daily bulletin kahapon.

Inamin din nito na may mga lokal na pamahalaan pa ring pataas ang trend sa mga nakalipas na araw.

Pero magandang development naman aniya ang nakita nila sa Navotas, Las Piñas, Malabon at Pasay na nasa halos downward trend na.

Kaya naman, muli itong nanawagan na magkaroon ng collective efforts ang LGUs at mga mamamayan para tuluyan nang bumaba ang mga kaso ng COVID-19.