Umakyat na ngayon sa 28,459 ang mga kaso ng coronavirus sa Pilipinas matapos maitala ang panibagong 661 na mga kaso.
Sa virtual presser ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, ipinaliwanag nito na sa mga bagong kaso 460 ang record sa nakalipas na huling tatlong araw kung saan 277 ang nagmula sa NCR, 21 ang nanggaling sa Region 7 at 162 naman sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang nalalabing 201 new cases ay mula naman sa nakaraang apat na araw o mahigit pa kung saan ang pinanggalingan na 40 ay sa Metro Manila, nasa 103 ang sa Central Visayas at 58 sa iba pang mga lugar para sa kabuuang 661.
Samantala muli na namang nakapag-record ang DOH ng malaking bilang ng mga nakarekober na nasa 288 na mga pasyente para madagdagan pa ang total recoveries sa bansa sa 7,378.
Sa mga nasawi naman naitala ngayon ang 14 na mga casualties kaya ang death total ay lomobo na sa 1,130