-- Advertisements --
us cdc
US Centers for Disease Control and Prevention

Pinangangambahan ng mga eksperto sa Amerika na baka umabot pa ang bilang ng mga namamatay sa 148,000 katao dahil sa coronavirus pagsapit sa July 25, 2020.

Ito ang naging babala ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa kanilang forecast makaraang mai-record ang mahigit na 52,000 na mga bagong kaso.

Sa ngayon nasa 128,743 na ang COVID-related deaths sa naturang bansa.

Liban sa forecast na 147,865 deaths pagsapit ng July 25, maari rin daw pomoste sa pagitan ng 139,000 hanggang 161,000 ang death toll.

“The state-level ensemble forecasts suggest that the number of new deaths over the next four weeks in Arizona, Arkansas, Florida, Idaho, Nevada, Oklahoma, Oregon, South Carolina, Texas, Utah, and Wyoming will likely exceed the number reported over the last four weeks,” bahagi pa nang paliwanag ng CDC sa kanilang forecasting website. “For other states, the number of new deaths is expected to be similar to the number seen in the previous four weeks or to decrease slightly.”