Nadagdagan pa sa kabuuang 4,300 ang death toll sa ilang panig ng mundo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa bagong data (as of 2PM), mula kaninang umaga nasa 26 ang nadagdag sa mga namatay kung saan 22 sa mga ito ay mula sa mainland China.
Kaninang umaga pinakamarami ang iniulat mula sa Italya na nasa 168 na nagmula naman sa loob ng 24 oras.
Samantala patuloy din naman ang paglobo pa ng bilang ng mga infected ng virus sa buong mundo magmula noong buwan ng Disyembre na umabot na sa 119,235.
Pero sa nabanggit na bilang halos kalahati na rin ang gumaling na umaabot sa 66,577.
Sa kabuuang bilang ng mga kaso na nagpositibo nasa 42,611 o 88 percent sa mga nahawa ay nasa mild condition, habang naitala naman sa 5,747 o 12 percent ang mga nasa seryoso o nasa critical condition.
Lumalabas din sa data na 6 percent ang namatay mula sa mahigit 119,000.