-- Advertisements --

Lumampas na ngayon sa 300,000 ang mga namamatay dahil sa COVID-19 sa India.

Pero ayon sa ilang eksperto baka mas marami pa rito ang casualty at hindi lamang naisasama sa opisyal na talaan lalo na at ito ang epicentre ngayon ng global pandemic.

Sa kabuuan meron ng 26 million na mahigit ang mga kaso ng coronavirus sa India at pumapangalawa sila sa Amerika.

Liban sa India ang dalawa pang bansa na naunang nakapag-record ng 300,000 na mga namatay ay ang Amerika at Brazil.

Ang deadly second wave ng COVID-19 sa India ay lalong nagpabagsak sa kanilang healthcare system na nagdulot ng kakulangan ng mga gamot at oxygen.

Nagpadagdag pa rito ang pag-atake rin ng deadly fungus infections o ang “black fungus” na iniuugnay din COVID-19.

Ang rare infection na tinatawag din na mucormycosis, ay merong mortality rate na 50% kung saan ang ilang pasyente ay kailangang tanggalan ng isang mata para lamang maka-survive.