Plano ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na muling buksan ang kanilang border sa gitna ng nararanasang kakulangan ng mga manggagawa.
Binigyang diin naman ng prime minister na mananatili itong maingat sa paglalatag ng 6-month plan ng kaniyang administrasyon para sa public health at border control.
Ang roadmap plan ay nakabase sa findings mula sa report ng mga eksperto kabilang na ang mga epedimiologists na tatawaging “Reconnecting New Zealanders to the world.”
Isinusulong naman ng mga business sector sa ilalatag na plano ang resumption ng labor imports.
Noong nakalipas na linggo, niluwagan ang 1-way quarantine- free travel para sa mga seasonal workers mula Samoa, Tonga at Vanuatu at lahat ng mga bansang walang aktibong kaso ng COVID-19 upang matugunan ang labor shortages sa horticulture industry ng nasabing bansa.
Maaalala na umani ng papuri si Ardern as buong mundo matapos na maging COVID-19 free ang New Zealand dahil sa istratehiya nito para ma-contain ang local transmission ng virus sa pamamgitan ng mahigpit na lockdown at pagsasara sa international border ng bansa mula noong March 2020.