-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pinangunahan mismo ni Butuan City Vice Mayor Jose ‘Joeboy’ Aquino II ang mga senior citizens nitong lungsod sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccines kanina sa may FSUU Morelos gym sa Brgy. Libertad.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na walang dapat na ikakabahala sa magiging epekto nito sa kanila lalo na sa inaasahang adverse effects nito.

Dapat umanong al.alahanin na ito ay para sa kanilang kapakanan at sa kanilang pamilya sabay paalala na panatlihing obserbahan ang health protocols upang matiyak na hindi na dadami pa ang mga madadapuan nito.