-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dineklara ngayon ang COVID 19 outbreak sa isang barangay nitong lungsod ng Dabaw matapos maitala ang mahigit sa isang daang ka tao na infected ng virus.

Inihayag ni Barangay captain Delfin Galicia Jr, ng barangay Buda Marilog district Davao city na nag-umpisa ang hawaan sa isang lamay ng patay sa Purok 5, barangay Buda.

Iilan umano sa mga nakilamay at ang pamilya ng napatay ay dumalo naman sa isang religious activity kung kaya mabilis ang transmission ng virus lalo pat hindi sumunod ang mga ito sa minimum health protocols gaya ng social distancing, pagsuot ng facemask at face shield.

Sa ngayon umabot na sa 103 na kaso ang naitala ng barangay mula sa 9 na mga purok ng naturang lugar, at pinangangambahan na madagdagan pa ang naturang bilang dahil sa ipinatupad na community swabbing at sa mas pinalapad pa na contact tracing.

Nakadagdag pa umano sa problema ang kawalan ng koperasyon ng mga residente dahil hindi ito naniniwala sa covid 19 at ayaw din umanong magpabakuna laban sa nakamamatay na virus.

Inilarawan ni Kapitan na parang ghost town ang kanilang barangay dahil isina-ilalim kini sa hard lockdown