-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakapila sa mga pagamutan sa lungsod ang mga nahawaan ng COVID 19 ito ang sinabi Dr. Fidel Peñamante, presidente ng GenSan Medical Society .

Ayon kay Dr. Peñamante matagalan na makapasok sa pagamutan ang mga may COVID-19 na nasa tent nakahimpil dahil puno na ang mga hospital dahilan para hindi na tanggapin ang mga pasyente.

Sinabi nito na sa nagdaang dalawang buwan nasa 50 hanggang 60 lamang ang kaso ng COVID-19 mula sa lungsod na sa ngayon mahigit sa 100 sa bawat araw.

Dagdag pa nito na kung magtagal ang sitwasyon mas delikado ang pasyente na ma-admit sa pagamutan na posibleng ikamatay nito.

Nalaman na mula nuong buwan ng Mayo hindi na bumaba ang kaso ng COVID-19 sa lungsod at lumala ng husto ng pumasok ang Setyembre.

Matatandaan nasa critical ang sitwasyon sa mga pagamutan sa lungsod matapos naitala ang 95 % capacity ng mga pagamutan dito.