Iniulat ngayon Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng bagong 17,964 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Dahil dito ang kabuuang tinamaan ng coronavirus sa bansa ay umaabot na sa 2,179,770.
Samantala mayroon namang naitalang 9,067 na mga bagong gumaling.
Ang mga nakarekober sa sakit mula noong nakalipas na taon ay umaabot na sa 1,969,401.
Lalo namang dumarami pa rin ang bilang ng mga pasyente na lomobo pa sa 175,470.
Habang nasa 168 ang mga bagong pumanaw dahil sa deadly virus.
Sa ngayon ang COVID fatalities sa bansa ay nasa 34,899 na.
Ayon pa sa DOH lahat naman daw ng mga laboratoryo ay operational noong September 8, 2021 habang mayroong apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.0% (175,470) ang aktibong kaso, 90.3% (1,969,401) na ang gumaling, at 1.60% (34,899) ang namatay,” ani DOH sa advisory.
Tinukoy naman ng DOH na nasa 75 percent ang mga ICU beds na kabuuang okupado sa buong Pilipinas.
Habang sa NCR ay nasa 73 percent naman ang total beds occupancy.