Muli na namang lomobo ang bilang ng mga bagong nadagdag na nahahawa sa Pilipinas sa COVID-19 matapos makapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng 3,617.
Mas mataas ito kahapon na mahigit sa 2,000 pasyente.
Ang mahigit sa 3,000 mga kaso ang pinakamataas sa nakalipas na dalawang buwan.
Dahil dito patuloy din namang nadadagdagan ang mga pasyente sa buong bansa o aktibong kaso na nasa 17,374 na.
Ito na ang highest active cases mula noong November 26.
Nangangamba naman ang ilang mga eksperto sa paglala pa ng kanilang mga projections.
Samantala ang kabuuang kinapitan ng virus sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,847,486.
Mayroon namang naitalang 468 na mga gumaling na pasyente.
Ang mga nakarekober sa coronavirus ay umaabot na sa 2,778,567.
Nasa 43 ang nadagdag sa mga pumanaw.
Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay umaabot na sa 51,545.
Mayroon namang anim na mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Kaugnay nito, patuloy pa rin naman ang paalala ng DOH na huwag magkampante ang lahat.
“Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.”