-- Advertisements --

Tiniyak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa mga kababayan na maayos ang kanyang kalagayan sa kabila na siya ay naka-confine ngayon sa isang ospital dahil sa COVID-19.

Ginawa ni Estrada ang pahayag sa isang video mula sa kanyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Kapansin pansin naman na may aparatu pa ito sa ilong para sa oxygen at ng ‘di siya mahirapan sa paghinga.

ERAP JINGGOY
Ex-Pres. Joseph Estrada (photo grab from Sen. Jinggoy video)

Sa kanyang kanang kamay naman ay naka-IV line ito.

“Ako ay nasa maayos na kalagayan,” ani Erap. “Huwag kayong mag-alala malakas ako.”

Sa kuwento sa Bombo Radyo ni Jinggoy, sinabi nito na gustong gusto na raw makauwi ng bahay ng ama.

Sinabi nito nang makausap niya ang ama ay naka-oxygen pa ito.

Sinabihan daw ito ng mga doktor na hindi pa siya pwedeng makauwi ng bahay at nagpapagaling pa.

Tumaas na rin daw ang oxygen level nito at nag-normalize na.

Siniguro din naman ni Jinggoy na walang ibang sakit ang dating pangulo.

“Gusto na raw niyang umuuwi naiinip na siya. Sabi ko hindi pa puwede dahil marami pa siyang gamot na iinumin…. maraming maraming salamat sa mga nagdasal at nagpaabot ng mensahe,” dagdag pa ni Jinggoy.

Sinasabing ang dating pangulo ay sumailalim na rin sa convalescent plasma transfusion para mapalakas pa ang kanyang antibodies laban sa virus.