-- Advertisements --

Kinumpirma mismo ng dating pangulo ng bansang Peru na si Martin Vizcarra na positibo ito sa COVID-19.

Aniya, nakaranas ito ng sintomas anim na buwan ang nakalipas nang mabakunahan ng Sinopharm vaccine.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, apat na buwan matapos na magsimula ang roll out ng vaccination program ng Peru nabakunahan na si Vizcarra.

Dahil dito naging kontrobersiyal ang dating pangulo na sangkot sa “vaccinegate” scandal dahil sa alegasyong hindi pagsunod sa priority list ng dapat na makatanggap ng bakuna.

Sa kasalukuyan, nasa 2.5% pa lamang ng mamamayan ng Peru ang nakatanggap ng unang dose ng vaccine at nito lamang linggo nararanasan na rin ang second wave ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Namuno bilang pangulo ng Peru si Vizcarra mula noong March 2018 hanggang November 2020.

Nauna nang binatikos ang dating pangulo dahil sa vaccinegate scandal at napatunayang guilty dahil sa collusion, peddling at false declarations dahilan para pagbawalan itong tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno sa loob ng 10 taon.