DAVAO CITY – Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang isang COVID 19 positive patient na isang asymtomatic na tumakas mula sa isang isolation facility kung saan ito isinailalim sa 14 day quarantine.
Inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, ang naturang pasyente ay isang babae na residente ng Barangay 23-C Lungsod ng Davao kung saan tatlong mga Purok ang isina-ilalom sa lockdown matapus nag-positive ang isang residente nito.
Kinumpirma ni Mayor Sara na maluwag ang ipinatutupad na seguridad sa Queensland quarantine facility kaya nagkaroon ito ng tsansa na tumakas noong May 9, 2020
Dagdag pa ni Mayor Sara na matatawag na “missing” ang naturang pasyente dahil hindi na umano ito matagpuan kahit sa kanilang bahay, at wala rin umanong alam ang pamilya nito sa kanyang kinaroro-unan ngayon.
Samantala, sa ngayon ang Davao city ay mayroong 161 total number of confirmed covid cases kung saan 57 nito ay mga active positive cases, habang nasa 81 na rin ang naka-recover at 22 na ang namatay.