-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagtala ang Department of Health region 2 ng anim na panibagong nagpositibo sa COVID-19 sa rehiyon dos.

Dahil dito umakyat na sa 93 ang nagpositibo sa COVID 19 sa region 2.

Ang panibagong kaso na naitala na CV88 ay isang 24 anyos na lalaki mula San Manuel, Isabela, isang OFW na nagtatrabaho sa United Arab Emirates na nakarating sa Pilipinas noong June 11, 2020.

Nakauwi ng OFW sa Isabela noong June 15, 2020 kung saan pansamantalang dinala ang pasyente sa quarantine na itinalaga ng lokal na pamahalaan ng San Manuel.

Ang pasyente ay isinailalim swab test at nagpositibo ang resulta.

Ang pangalawang kaso ay si CV89 na 26 anyos na babae mula Enrile, Cagayan.

Si CV89 ay nagkaroon ng paglalakbay sa Pasay City at nakauwi sa kanilang bayan noong June 28, 2020 at isinailalim sa quarantine sa pasilidad na itinalaga ng Lokal na Pamahalaan ng Enrile.

Siya ay isinailalim sa swab test na positibo ang kinalabasan.

Si CV90 na isang 33 anyos na babae ang pangatlong kaso, isang OFW sa United Arab Emirates na mula sa City of Ilagan.

Ang pasyente ay nakauwi ng Pilipinas noong June 24, 2020 at nakarating sa Isabela noong June 26, 2020.

Dinala siya sa quarantine facility ng provincial government ng Isabela sa bayan ng Echague.

Isinailalim sa swab test na positibo ang kinalabasan

Ang pang-apat na kaso ay si CV91 na isang 22 anyos na lalaki mula sa Cabagan, Isabela na naglakbay sa Makati City at nakauwi sa kanilang bayan noong June 21, 2020.

Dinala siya sa quarantine facility ng lokal na pamahalaan ng Cabagan at isinailalim sa swab test na positibo sa COVID 19.

Ang pang limang kaso ay si CV92 na isang 22 anyos na babae mula Cabagan, Isabela na naglakbay sa lalawigan ng Cebu at nakauwi ng kanilang bayan noong June 25, 2020.

Siya ay dinala sa quarantine facility ng Pamahalaang lokal ng Cabagan at nang isailalim sa swab test ay positibo ang kinalabasan.

Ang pasyente ay nakaranas ng lagnat.

Ang pang anim na kaso na si CV93 ay isang 41 anyos na babae, isang OFW sa Dubai mula sa Sto. Niño, Cagayan.

Siya ay nakauwi sa Pilipinas noong June 8, 2020 at nakauwi sa kanilang bayan noong June 29, 2020 kung saan isinailalim sa quarantine sa pasilidad na itinalaga ng lokal na pamahalaan ng Sto. Niño.

Isinailalim sa swab test ang pasyente na nagpositibo sa COVID 19.

Bukod sa CV92 na nakaranas ng lagnat ang limang iba pa na nagpositibo sa virus ay nanatiling asymptomatic.

Isinasagawa na ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasamaluha ng mga nagpositibo sa virus.

Ito ay isinasagawa ng mga kawani DILG at PNP kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Isabela, at mga pamahalaang lungsod at mga lokal na pamahalaan kung saan residente ang mga nagpositibo sa virus.

Dahil sa patuloy na nadadagdagan ang nagpopositibo sa virus ay hiniling ng pamunuan ng DOH region 2 sa mga mamamayan na ipagpatuloy ang mga tamang hakbang sa pag-iwas sa virus tulad ng pagsusuot ng facemask tuwing lalabas ng bahay, ang palagiang paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol o sanitizer, ang pagdistansya sa mga tao pangunahin na sa mga matataong lugar o ang physical distancing, maging lahat ng mga pagsasagawa ng mga nailathala sa mga minimum health standards sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.