-- Advertisements --

Dismayado ang coronavirus disease (COVID-19) patient na si Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara sa kawalan pa rin ng mass testing ng Department of Health (DoH) dahil sa naturang sakit.

Ayon kay Angara, hindi dapat maging monopolyo ang pagsasagawa ng pagsusuri na ginagawa ng DoH.

Sa mensahe nito kay Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin, mabigat ang naging pahayag nito tungkol kay Duque.

“Pls tell your colleague to get his head out of his ass,” pahayag ni Angara sa kaniyang Tweeter account.

Una rito, pinuri ni Locsin ang Germany sa pagdaraos ng mass testing para ma-control at ma-monitor ng maayos ang pandemic.

“SO THAT’S THE ANSWER. Germany—the most advanced country in history—does not have a public health laboratory MONOPOLISING what it cannot handle by itself. Interesting. Well, now, we—in this f@#$%ing country of ours—do have such a monopoly. Take that. And proud of it we are. Shit,” pahayag ni Locsin sa kaniyang Tweeter account.